Wednesday, 14 December 2011



ROXAS CITY - Naging makulay ang pagbubukas ng selebrasyon ng Sinadya sa Halaran 2011 Festival sa lalawigan ng Capiz.
Sinimulan ang selebrasyon ng isang thanksgiving mass sa Roxas City Metropolitan Cathedral na dinaluhan ng mga opisyal ng lungsod ng Roxas at probinsya ng Capiz.
Nagbigay din ng kani-kanilang mga mensahe ng pagbati at pag-imbita sina Gov. Victor Tanco Sr. at Roxas City Mayor Alan Celino sa seremonya matapos ang flag raising ceremony na nilahukan ng 16 na bayan ng probinsya.
Pagsapit ng dapit hapon, dinaluhan ng libu-libong mga deboto ang ginanap na tradisyunal na prosisyon sa Panay River o ang fluvial parade ng imahe ni Immaculada Concepcion at ang taonang pyrotechnic display.
Nagbigay kulay rin sa nasabing prosisyon ang sabay-sabay na pagpapailaw ng mga Christmas light sa mga kakahuyan na nakapalibot sa lungsod.


Libu-libo ring mga manonood ang nakisaya sa pagbukas ng seafood festival kung saan ipinakita ang iba't ibang mga seafoods sa Roxas City at Capiz.

No comments:

Post a Comment